Namangha Siya

Namangha Siya

Bago kami bumiyahe papuntang Malaysia ay kumain muna kami sa airport. Pansinin ang mga Kapwa Panday dahil sa uniform na suot namin. May ilan na nagtatanong kung athlete raw ba kami. Napapangiti na lang kami at sinasabi namin na "magto-tour lang po kami, incentive tour po." Ang isang naging ka-share namin sa table habang kami ay kumakain ay hindi nakapagpigil na mag-usisa tungkol sa kung saang kompanya raw kami nagtatrabaho. Sinabi namin na sa Pandayan Bookshop. Pamilyar nga raw siya dito dahil taga-Bulacan sila. Ilang percent daw ang sinagot ng company para daw sa tour namin. Namangha siya nang malaman na all expenses paid ito at pocket money lang ang aming dinala. "Wow! Ang galing ng kompanya niyo!" Siya daw ay nagretiro na lang sa kanilang kompanya pero hindi raw niya ito naranasan. Retired employee raw siya sa Nestle. Tiyak daw na pagpapalain pa nang husto ang mga may-ari at Pandayan dahil ibinabahagi nila sa mga empleyado ang mga blessings. Napakapalad po ng bawat Kapwa Panday sa mga pribilehiyo na aming natatamasa sa kompanya.